Erich Gonzales at Daniel Matsunaga Ninong at Ninang ng Ikalawang Kambal ni Joel Cruz


Hindi lang kilala si Joel Cruz bilang Lord of Scents dahil sa kanyang successful business na perfume ngunit kilala rin sya bilang ama ng twins na sina Prince Sean at Princess Synne na sinasabing bunga ng vitro fertization (carried by a Russian mother) na parehong 4 na taon na ngayon. Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang nagpabinyag si Joel Cruz ng 2nd set na kambal na lalaki naman, na sina Prince Harry at Prince Harvey na bunga uli ng vitro fertilization (with the same Russian mother). Idinaos ang binyag sa Santuario De San Antonio, Forbes Park Makati City noong January 18, 2016. Bago nagsimula ang binyag ay nagkaroon ng Grand Entrance ang pamilya ni Joel Cruz suot ang Royal Blue na motif. Bongga talaga ang binyag na ito dahil dinaluhan ito ng mga ninang at ninong na politiko, celebrities at mga sikat na personalities tulad nina dating Governor Chavit Singson, Senator Ralph Recto, Ang achor newscaster na si Julius Babao, kasama ang kanyang asawa na si Tintin Bersola- Babao. Present din ang boxing champion na si Nonito Donaire kasama ang kanyang asawang si Rachelle. Ang mga dating beauty queens na sina Margie Moran at Cory Quirino. Ninong din ang executive ng GMA7 na si Atty. Gozon. Spotted din ang real partner at stars ng Be My Lady na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Maging ang dalawang Child wonder na sina Bugoy Carino at Xyrel Manabat ay ninong at ninang din nina Prince Harry at Prince Harvey. Ninang din ang Gospel Diva na si Jamie Rivera.
Bongga din ang naging reception ng kambal na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-la Hotel na nagmistulang mini-Broadway Concert na may set-up na Orchestra ang stage ng Rizal Ballroom. Umawit ang Asias Diva na si Dulce at anak nitong si Dave. Nakaka goodvibes din ang mga inawit ng UST Choir. Isa mga highlight ng mini corcert ay ang broadway mini-concert nina Sheila Valderama, Jet Pangan at Carla Guevara-Laforteza na pinalakpakan ng husto. Inawit nila ang mga sumikat nakanta ng broadway tulad ng Sun and Moon (Miss Saigon), This is the Moment at ilang awitin ng Les Miserables. Sa kabila ng pagiging mayaman ni Joel Cruz ay busilak pa rin ang puso nito at may mababang kalooban dahil hiniling nya sa mga Ninong at Ninang na instead na regaluhan ang kambal ay gawin itong cash bilang donasyon sa pagpapagawa ng simbahan sa kanilang lugar sa Sampaloc, ang Nuestra Senora De Perpetuo Socorro Parish Church. At least, bata pa kambal ay nakagagawa na ng kagandahang loob sa simbahan. Marami siguro ang nagtatanong kung magkano ang nagastos ni Joel Cruz para sa vitro fertilization at magkaroon ng magaganda at cute na anak tulad ng dalawang twins ni Joel Cruz. Maalalang inamin ni Joel Cruz sa dati nyang interview na p6M ang kontratang pinirmahan nya para sa vitro fertilization ng kanyang unang anak. Pero dahil nga daw sa kambal ang lumabas ay siningil sya ng doble. Sinabi din nya sa dati nyang interview na pinili nya ang single Russian Girl na 31 years na kamukha ni Julia Roberts para maganda ang kalabasan ng kanyang anak. Kita nyo naman at ang ganda, mga gwapo at cute ang kinalabasan ng kanyang dalawang kambal. More power to you Joel Cruz, the Lord of Scents.

Ella, Yassi at Meg Magpapakitang Gilas sa Pagbabalik ng Watt Presents: VJ Aryanna I-ho-host ang MTV Top 20 Pilipinas

IMG_1155
Isa ang Wattpad Presents sa mga naging matagumpay na show ng TV5 noong nakaraang taon na kung saan ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga talents ng TV5 maipakita ang kanilang talent sa pag arte. Dahil nga sa tagumpay nito ay inabot ng limang seasons ang Wattpad Presents na marami ang pinasaya at pinakilig na mga manunuod sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga masasayang kwento ng pag-ibig na tinampukan ng iba’t-ibang bituin.
Ngayong February 6, 2016 ay muling magsisimula ang bagong season ng “Wattpad Presents.” Patuloy itong magbibigay ng saya sa mga manunuod sa bago at mas pinahaba nitong time slot tuwing Sabado ng gabi mula 9pm hanggang 10:30pm.
Una na rito ay ang “Avah Maldita” ni Simple Chummy. Pagbibidahan ng Darling of the Dance Floor ba si Ella Cruz ang Wattpad Presents na ito. Gagampanan ni Ella ang papel ni Avah Chen na isang mayamang dalaga ngunit maldita kung umasta. Subalit lingid sa kaalaman ng lahat, isang madilim na nakaraan na pilit na nyang itinatago at tinatakasan. Kasama rin ni Ella sa episode na ito ang “Social Media Sweetheart,” na si Donnalyn Bartolome bilang si Avy na kanyang kapatid, at si Akihiro Blanco bilang si Neo, ang lalaking magiging dahilan ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang dalaga. Ang “Avah Maldita” na isinulat ni Koko Joven ay mapapanuod na sa Pebrero 6, 2016.
Susundan ito ng “Mysterious Guy at the Coffee Shop,” ni JC Quin. Bida dito ang Viva Princess na si Yassi Pressman at ang talented Artista Academy Best Actor na si Vin Abrenica. Kwento ito ng isang nerd na mahilig magbasa at isang popular na lead vocalist ng isang banda. Ano kaya ang mangyayari kapag nagkrus ang kanilang mga landas? Sa ilalim ng panulat ni Butch Concepcion. Ito ay mapapanuod na sa February 13, 2016
Exciting naman ang kwento ng “My Soul Mate is from Another Planet,” ni Amor Filia tungkol sa isang dalagang tomboy kung umasta. Ngunit magbabago ang lahat sa sandaling makilala at ma-inlove sa isang alien na si Time ang pangalan. Sa panulat ni Abi Lam Parayno. Ang episode na ito ay pagbibidahan ni Bianca King na na miss daw ang pag-acting.
Aliw rin ang kwento ng “My Casanova Husband,” ni Crunchh. Tatalakayin nito ang tungkol sa tinatawag na “fixed marriage.” Sa Panulat ni Abi Lam Parayno at pagbibidahan ng Super Sexy na si Meg Imperial.
Maliban sa “Wattpad Presents,” malugod ding inihahandog ng Viva Communications, Inc at ng TV5 ang “MTV Top 20 Pilipinas.” Isa itong 2-hour weekly program na nagtatampok ang pinakamaiinit at pinaka-hit na Top 20 OPM songs sa bansa base sa requests ng tagapakinig at radio airplay. Hosted ito ni VJ Aryanna na mapapanuod tuwing Sabado ng gabi sa kapatid Network simula February 6, 2016.

Star Volleyball Player na si Rachel Anne Daquis Gusto Makapareha si Alden Richards


Isa si Rachel Anne Daquis sa mga Volleyball star na maituturing pinaka seksing Volley player at dating team captain ng FEU Lady Tamaraw team. Isa rin sya mga ibinoto ng mga kalalakihan na isa sa FHM 100 Sexiest noong isang taon. Ibinahagi ni Rachel Anne Daquis sa mga press at ilang bloggers noong January 21, 2016 sa Mario’s Restaurant ang kanyang sikreto sa kanyang pagiging fit at sexy. Sya ang dagdag na endorser ng produkto ng Vida Nutriscience, Inc. Ang mySlim at ng Snowcaps Glutathione, kasama sina Alden Richards at Jennelyn Mercado. Nakapanayam sya ng inyong StarsPhotog tungkol sa kanyang bagong endorsement at ito ang kanyang ilang pahayag.
Ano ang unang reaksyon mo nang malaman mo na isa ka sa kinonsider ng VIDA Nutriscience, Inc. para maging endorser ng mySlim at Snowcaps? Ano rin ang masasabi mo na lume-level ka kina Jennelyn Mercado at Alden Richards sa pagiging endorser ng product?
“Sobrang saya na sume-celebrity na yung level ko, pero syempre bago ko tinanggap yung isang endorsement, tinitingnan ko muna yung product na ini-endorse ko. Nung kinuha nila ako, natuwa ako kasi alam ko yung magiging magandang benefit sa akin ng product na ito at makakatulong ito sa active lifestyle ko.”
Sinabi mo na sume-celebrity ka na ngayon, may plano ka bang pasukin ang showbiznes? At kung papasok ka sa showbiz anong genre yung gusto mong pasukin? Acting ba? Hosting?or magpapaseksi ka ba?
“If there’s an opportunity why not? Di ba! Nagkaroon naman ng opportunity na nag ge-guest ako sa ibang show dati pero na prioritize ko po yung career ko sa volleyball. Pero syempre meron ka pa ring back-up plans eh. Kung may chance gusto ko ng hosting or siguro simple acting, definitely not pagpapaseksi. Kasi gusto ko pa ring I promote ang pagiging atleta ko na sexy but fit.”
Kung sakaling magkaroon ka ng chance to act, sino sa mga leading man ngayon ang gusto mong makatrabaho bilang kapareha mo?
“Syempre po, yung isa sa mga ambassador ng VIDA Nutriscience, inc. na si Alden Richards. Maghahanap pa ba ako ng iba?”
Hindi ka natatakot na ma bash ng mga Aldubnation dahil aagawin mo si Alden kay Maine?
“Hindi ko naman po sya aagawin kay Maine. Sige po, mag best friend nalang po kami ni Alden. (sabay tawa)”
Ano yung epekto sayo ng mySlim at Snowcaps noong ginamit mo ang produkto?
“Na try ko na ang ibang slimming pills, na ke-cleanse ka nga at pumapayat pero nanghihina ka after pero sa mySlim, sobrang walang bad effects sa akin, na cleanse ako pero na su-sustain pa rin nya yung energy ko throughout the day, yun ang maganda sa mySlim. Yung sa Snowcaps Glutathione naman, maging yung soap nila noong ginamit ko, napansin ko na kahit maputi na ako, mas nag go glow pa yung skin ko. Isang tip ko sa gagamit ng produktong ito, mas magiging effective ito kung active ka din eh. Wala namang instant na pag inom ng mySlim ay papayat ka agad at pag inom mo Snowcaps ay puputi ka agad. Pag gumamit ka ng produktong ito, kailangan sabayan mo rin ng healthy lifestyle at work-out para mas mabilis ang resulta nya sa ating katawan.”

Yassi Pressman at Andre Paras Excited Na Sa Kanilang Movie na Girlfriend For Hire

IMG_0788
Matatandaang kinataan ng chemistry on screen sina Andre Paras at Yassi Presscon sa kanilang supporting roles sa blockbuster movie na “Diary Ng Panget,” na pinagbidahan nina Nadine Lustre at James Reid. Another family movie ang kanilang ginawa bilang loveteam sa WangFam kasama sina Pokwang at Benjie Paras. Nasundan ito kamakailan ng isa pang tambalan na kanilang pinagbidahan sa trilogy movie na “Lumayo Ka Nga Sa Akin.” Matapos ang matagumpay na tambalan ng dalawa ay nabuo ang kanilang loveteam na “YanDre,” na magkakaroon na, nang kanilang sariling movie na pinamagatang “GIRLFRIEND FOR HIRE,” ito ay movie adaptation na hit Wattpad novel na may 68 million reads. “I’m so excited to work again with Andre dito sa aming movie. Dati lagi lang kami support, pero sa pagkakataon na ito, kami na talagang dalawa ang bida,” pahayag ni Yassi Pressman. “Ako rin, very excited na ako sa bago naming movie ni Yassi, makikita nyo ang kilig sa aming dalawa sa pelikulang ito,” sabi naman ni Andre.
Gagampanan ni Yassiang papel ng ulirang si Nami Shanaia San Jose, isang first year HRM working student na nakikitira sa kanyang auntie at dalawang pinsan. Si Andre naman si Bryle Caleb Stanford na isang mayaman pero aroganteng apo ng founder ng Stanford University. Papasok ang mga nakakakilig na eksena sa pagitan ng dalawa nang kontratahin ni Bryle si Nami na magpanggap bilang girlfriend niya para huwag mapakasal sa babaeng pinili ng lolo nya. Kapalit ng pagpapangggap ni Nami, bibigyan siya ni Bryle ng isang posh condo unit at malaking weekly salary. Pero may isang kondisyon na hindi siya pwedeng ma-in love kay Bryle.
Mapipigilan kaya nilang ma-in-love sa isa ’t-isa o forever na lang silang magtataguan ng feelings? Alamin ang kasagutan sa pagbubukas ng bagong romantic comedy movie mula sa Viva Films at SMDC na GIRLFRIEND FOR HIRE. Makakasama nina Yassi at Andre sina Shy Carlos, Donnalyn Bartolome, Clint Bondad, Ara Mina at Ronaldo Valdez. Magbubukas na ngayong February 10, 2016 sa mga sinehan nationwide ang GIRLFRIEND FOR HIRE. Abangan!

ZANJOE AT CRISTINE, BALIK-TAMBALAN SA “TUBIG AT LANGIS”

TubigLangis

Magbabalik-tambalan sina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes, kasama si Isabelle Daza, para bigyang buhay ang isang natatanging kwento na magpapakita ng tibay ng mag-asawa, tatag ng pamilya, at halaga ng tunay na pag-ibig sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na “Tubig at Langis” simula Lunes (Feb 1).
Kilalanin si Irene (Cristine), isang babaeng sumumpang gagawin ang lahat sa ngalan ng buo at masayang pamilya. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kanyang ina habang ang ama ay may kinasama namang iba.
Buong akala niya ay mabubuo niya ang pangarap niya sa katauhan ng unang pag-ibig na si Jaime. Ngunit sa kasamaang palad, ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay ay nauna nang nangako ng pag-ibig sa ibang babae. Sinubukan ni Irene na kalimutan si Jaime pero nag-iwan ito ng hindi mabuburang alaala— ang anak nila na si Myko.
Makalipas ang ilang taon, masayang nabubuhay si Irene kasama ang anak hanggang sa muling kumatok ang pag-ibig sa puso niya. Muli niyang makakadaupang-palad ang kababatang si Natoy na hindi kalauna’y aalukin siya ng kasal sa kabila ng pagiging isang single mom niya.
Sa wakas ay nakuha niya ang matagal na inaasam na buong pamilya. Ngunit paano kapag bumigay si Natoy sa isang gabi ng kahinaan? Paano poprotektahan ni Irene ang kanyang pamilya? Sa mag-asawa, magagawa bang magtagumpay ng pag-ibig na tila tubig at langis?
Kasama rin sa cast ng “Tubig at Langis” sina Vivian Velez, Lito Pimentel, Nadia Montenegro, Marco Gumabao, Ingrid Dela Paz, Dionne Monsanto, Archie Alemanie, Victor Silayan, at Miguel Vergara. Ito ay sa direksyon ni FM Reyes.
Huwag palalampasin ang pagsisimula ng “Tubig at Langis” ngayong Lunes (Feb 1) sa ABS-CBN.

Claudine Barreto at Diether Ocampo, Balik Tambalan sa Bagong Teleserye ng TV5 na Bakit Manipis Ang Ulap?

IMG_7939
Napakalaking pagbabago ang naganap sa TV5, simula nang ang Viva na ang humawak ng mga Entertainment Shows ng Kapatid Network, dahil sunud-sunod ang launching ng mga ipapalabas na teleserye sa TV5. Pagtakatapos i-launch ang Born To Be A Star at Tasya Fantasya, ang drama series naman na Bakit Manipis ang Ulap? ang nakalinyang teleserye na show ng VIVA , para sa TV5 sa ngayong Pebrero.
Hango sa pelikulang obra maestra ni Direk Zialcita ang Bakit Manipis Ang Ulap? na ipinalabas sa noong 1985 sa mga sinehan at pinagbidahan nina Chanda Romero, Laurice Guillen, Tommy Abuel, Mark Gil at Janice De Belen. Kwento ito ng pag-ibig, pamilya at panlilinlang. Ngayong Pebrero 2016 ay bibigyan buhay at muling bubuhayin ang kwento nito ng Optimum Star na si Claudine Barreto, Diether Ocampo at Cesar Montano. Kasama sina Ruffa Gutierrez, Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Bernard Palanca, Meg Imperial, Roxanne Barcelo at marami pang iba. Sa direksyon ng multi-awarded filmmaker na si Direk Joel C. Lamangan.
Matatandaang huling nagsama sa isang teleserye sina Diether at Claudine noong taong ___ pa, sa teleseryeng “Iisa Pa Lamang.” Ilang taon na rin ang nakalipas. Sa kanilang balik-tambalan ay panigaradong mas magiging intense ang dramatic acting nilang dalawa sa teleseryeng ito. Mas aabangan ang maiinit nilang eksenang dalawa. Excited naman sa isa’t-isa sina Claudine at Cesar Montano, dahil sa unang pagkakataon ay magsasama sila sa isang proyekto. Sabi nga ni Claudine, “Isang malaking karangalan para sa akin ang makatrabaho ang isang Cesar Montano na alam naman nating napaka galing na actor. Kumpleto na ang pagiging artista ko dahil nakakatrabaho ko na sya finally.”
Ikinuwento naman ni Meg Imperial sa inyong StarsPhotog ang maiinit din nilang eksena ni Diether Ocampo sa teleseryeng ito, “Medyo awkward yung first eksena namin ni Diether sa teleseryeng ito , dahil sa 1st day palang, madami na akong ka naughty-han na ginawa ko dito with Diether. Syempre di pa naman kami close masyado at wala pang workshop, tapos 1st day palang naming ay may love scenes na agad. Ibang-ibang level ng sensuality ang ginawa namin dito ni Diether, tulad ng pagiging passionate sa isa’t-isa, aggressiveness ko sa kanya, kissing scenes at marami pang iba, basta aabangan nila yung mga eksena namin na yun ni Diether.”
Mukhang pinagkagastusan ng husto at pinaganda ang mga eksena dahil sa trailer palang ng Bakit Manipis Ang Ulap? ay kitang kita na ang ganda ng mga eksena at production. Isa rito ang eksena sa helicopter na ikinatuwa ng mga press. Sabi tuloy ng ibang press na, “Wow, ang bongga ng production at may pa-helicopter pa ang VIVA.” Congratulations VIVA and TV5! More power and more TV show to come!

Shy Carlos at Mark Neumann Makikipagsabayan sa Love Team ng JaDine KathNiel at LizQuen sa kanilang Bagong Fantaseryeng “Tasya Fantasya”

IMG_7023
Ang refreshing tandem nina Shy Carlos at Mark Neumann ang mga bibida sa televison remake ng Tasya Fantasya, ang iconic komiks character na nilikha ni Carlo J. Caparas. Matatandaang unang ginampanan ni Yasmine Kurdi sa GMA ang fantaseryeng ito noong 2008 at isinapelikula naman ng Abs-Cbn na si Kris Aquino naman ang gumanap noong 1994. Ngayon naman ay si Shy Carlos ng Viva Entertainment ang gaganap na Tasya. Sa katatapos na press conference para sa bagong fantaserye na ito ng TV5 na ginanap sa Music Hall, Metro Walk Pasig City, noong January 14, 2016 ay nagpakitang gilas si Shy Carlos suot ang kanyang costume bilang si Tasya sa media people at bloggers. Kinantahan nito ang mga press people at nakipag kwentuhan sa katauhan ni Tasya. Talaga namang in- character itong si Shy bilang si Tasya nang humarap sa presscon. Ang Tasya na malambing, witty, makulit ngunit may pagka-mali mali. Bagamat hirap sa pagsasalita dahil sa kanyang prosthetic na ngipin, nasagot naman ni Shy ang mga maintrigang tanong ng mga press at bloggers.
“Natutuwa ako na binigyan ako ng pagkakataon ng Viva na maipakita yung talent ko bilang si Tasya dito sa bagong fantaserye ng TV5, ang Tasya Fantasya. Matagal ko nang hinintay ang big break na ito sa aking career, ” pahayag ni Shy Carlos. Sina Mark Neumann at Shy Carlos ang bagong love team na binubuo ng TV5 na mukha namang kayang makipagsabayan sa loveteam ng JaDine, KathNiel at LisQuen dahil kitang kita naman na may chemistry ang dalawa sa screen kahit na pareho silang half-half (half-Filipino/half-Swedish si Shy at half-Filipino/half-Croation naman si Mark) Kitang-kita ang chemistry ng dalawa sa kanilang mga eksenang ipinakita sa trailer ng presscon, kaya naman binansagan silang “perfect combo.”
Malayu-layo na rin ang narating ni Mark magmula nang tanghalin sya bilang isa mga finalists ng Artista Academy ng TV5. Sya ngayon ang kinikilalang kilig Prince ng TV5 dahil sa taas ng mga ratings ng halos lahat ng mga programang kanyang pinagbidahan sa Kapatid Network. “Hindi naman po ako malayong ma-inlove sa aking leading lady na si Shy Carlos, dahil mabait naman at very accommodating naman si Shy, I really like her, because she is very kind and sweet,” sambit naman ni Mark nang tanungin sya ng press kung may tendency bang ma-inlove sya kay Shy Carlos.
Inaasahan na mas magiging maningning ang kinang ng bitiun ni Shy dahil sa kanyang natural na acting talent at professionalism sa fantaseryeng ito ng TV5. Unang napansin ang kanyang husay sa mga pelikulang “Para sa Hopeless Romantic,” “Chain Mail,” at ang showing pa rin hanggang ngayon na “Lumayo Ka Nga Sa Akin.”
Abangan ang bagong sweet and charming actress ng Viva Entertainment na si Shy Carlos sa kanyang bagong fantaseryeng “Tasya Fantasya,” na magsisimula na sa February 6, 2016, tuwing Sabado, 8pm sa Kapatid Network, TV5.

Jaymee Del Rosario, Isa Sa Mga Pinoy Na Babaeng Kandidata na Pupunta sa Planetang Mars

Naalala nyo pa ba kung ano ang pangalan ng isang astronaut na nakarating sa “Moon” dati? Ikaw? Gusto mo bang makarating ng buwan or kung saan mang planeta sa kalawakan tulad ng Mars? Napanuod nyo ba ang “The Martian,” istorya ito ng mga amerikano na nakarating sa Mars para pag-aralan kung pwede nga bang mabuhay ang tao sa lugar na iyon? Sa maniwala kayo or hindi, totoo palang may organization na nagsasagawa ng pag-aaral para may makarating na tao sa Mars. Ito ay ang Mars One na nag pa-audition, kung sino ang gustong makapunta ng Mars. Out of 200,000 plus worldwide na nag-audition, dalawa sa Filipina ang nakapasok sa 100 na tao pa, na pagpipilian na makarating sa Mars. Nagkaroon nga ng pagkakataon ang inyong StarsPhotog na makunan at makapanayam ang isa mga Filipina na ito. Ito ay si Jaymee Del Rosario na bumisita dito sa bansa para ibahagi ang goodnews na ito sa kanyang kapwa Filipino. Nag-organized ng isang Pandesal Forum para kay Jaymee si Mr. Wilson Lee Flores sa Kamuning Bakery Café, sa pakikipagtulungan ng World Balance International, Inc, sa pamumuno ng Marketing Manager na si Eric Nadurata. Dito ay nakapanayam ng inyong lingkod si Jaymee tungkol sa kanyang experience sa pag-aaudition.

Noong nag audition ka sa Mars One, ilan kayo Filipino ang nag-audition? Dalawa lang ba kayo or mas marami pang Pinoy ang nag-audition?
“A lot, I don’t know the exact tally but, it’s more than 2 kaming Filipino na nag-audition. Dalawa lang kaming Filipino ang napili.”
Kung sakaling matutuloy ka sa Mars, ano yung plano nyo ng BF mo, are you planning to get marry first before you go Mars?
“That is something that we think about, I don’t know yet maybe we will cross the bridge when we get there, this time, I want to focus on my audition, then if palarin na isa ako sa mapili sa 1st four na pupunta sa Mars, saka nalang naming paplanuhin kung what will happen.”

Ano yung pinakamahirap na pinagdaanan mo during the audition bago mo marating yung least 100 na may chance to go to Mars?
“Yung interview ko, one on one interview is most difficult one, kasi he is the former Chief Medical Officer of NASA, he is the one choosing the real astronauts. Mars One hired him to be the part of program, of course the fear is there, although hindi naman masyado mahirap tanong pero mapapaisip ka kung ano isasagot mo.”

Kung sakali isa ka sa mapili na makapunta sa Mars, ano yung pwede mong i-contribute sa kanila?“Like I said, It’s more of my experience and my urge to learn. There’s a talk in Mars One, they asked us what is your 4 wish lists na gusto mong makasama sa Mars kung sakali na pupunta ka dun, I always said to my interview na , one is doctor, an engineer, maybe a geologist or a botanists, tapos a cook, ako yung magiging cook, kidding aside, I’m studying Mechanical and Electrical Engeering now , within 10 years time frame I will able to contribute that as well with regards of technicality. Also my experience in life being a Filipino, being borned here in the Philippines then migrated to U.S. adapting to a new environment. This is big adaptation kasi with mingle with different race and personality.”

Kung sakaling matuloy ka sa Mars, ano pa yung mga personal na bagay na dadalhin mo sa Mars?
“Of course I will bring the flag of the Philippines and the sands of Earth.”

Bakit sa dinami-dami ng Planeta sa kalawakan, Mars daw ang balak nyong puntahan?
“Mars has been the talk of Science worldwide.Its been a talk for a very long time. Last time the Apollo went to moon right? That’s the last time that the NASA do exploration, we never done it for a very long time. Why Mars? Lots of Science studied about Mars, and last September 2015, they declared that there is water on Mars, so if there is water, that means its livable. And Mars is the 4th planet in Solar System, Mars is very close to Earth, it’s right next door to us, that’s why they choose Mars and nobody has been there yet.”

Are you ready to die kung sakaling may aksidenteng mangyari along the way to Mars or kung sakali di ka maka survive sa Mars?
“I saw my mom passed away and when I was working in States, I was working in a Nursing Com as a Social Service, as admission coordinator, so I see patients die in front of me all the time, so, that is part of our life. Death is like a thief in the night. For example when you walk out your door, you can die right there, or you can die while sleeping. I’m ready for it, if my journey will not become successful, at least I know where I want, I know where, when and why I die. There is a purpose. And that is the most important for me. ”
Ito palang si Jaymee ay kapatid ng isang magaling na singer-composer na si JC Del Rosario IV na unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa industriya. Mapapanuod ang kanyang performances sa The Crowd Bar and Resto sa Pioneer, Pasig City. Very supportive daw si JC sa kanyang kapatid sa lahat ng bagay, lalo na sa pag-a-audition nya para makarating ng Mars.
Ipagdasal natin si Jaymee Del Rosario na magtuluy-tuloy ang kanyang swerte at mapili sa unang 4 na tao na makakarating ng Mars. Goodluck Jaymee!