“Pangarap kong magkaroon ng maraming restaurant!” yan ang pahayag ni Ms. Aiai Delas Alas-Sibayan sa katatapos na bloggers conference para sa bagong bukas nyang high end restaurant na “Ai-sian fusion Hybrid Casual Restaurant” na matatagpuan sa 4th floor ng Ayala Malls Cloverleaf, Balintawak Quezon City na kung saan ay inimbitahan nya ang ilang bloggers para ipatikim ang masasarp nilang specialty na bagamat high-end restaurant ay affordable naman ang presyo lalo na ang kanilang top selling food na “premium mushroom siu mai” at “pork katsu.” Ilan lang yan sa mga binabalik balikan na pagkain sa bagong restautant ni Ms. Aiai. Ang Ai-sian Fusion ay combination ng Korean, Japanese, China at Filipino food na niluluto ng kanyang magaling na chef. Hindi mo na daw kailangan pang pumunta sa ibang bansa para makatikim na mga aunthentic Asian food dahil dito sa “Ai-sian Fusion” ay matitikman ang masarap na luto ng kanilang chef na nag training pa sa Malaysia para sa mga Asian foods.
Sina Alden Richards at Marian Rivera-Dantes pala ang nag cut ng ribbon para sa opening ng Ai-sian Fusion Restaurant ni Ms. Aiai Delas Alas noong nakaraang September 2018. Natuwa naman daw si Aiai na nagustuhan din nina Alden at Marian ang kanilang foods.
Nakapanayam ng ilang mga bloggers si Ms. Aiai sa katatapos na Bloggers Conference at ibinahagi nya na very hands-on daw sya sa kanyang mga businesses. Kapag wala daw syang taping ay tumatambay sya sa kanyang mga restaurant para makita din ng mga fans ang kanyang presensya at pwede silang magpa-picture sa kanya. Infairness ang ganda ng ambience ng bagong restaurant ni Aiai, dahil bukod sa may feel ng authentic Asian restaurant ay over-looking pa ang ilang bahagi ng Balintawak.
Open din daw sa anumang okasyon ang kanilang restaurant para sa mga private parties at pwedeng magpa-reserve .
Bisitahin nyo at kumain sa bagong high-end restaurant ni Ms. Aiai Delas Alas na “Ai-sian fusion Hybrid Casual Restaurant” located in the 4th floor of Ayala Malls Cloverleaf, Balintawak Quezon City. Kung gusto nyo namang magpa-reserve para sa inyo party sa kanilang restaurant, please call +639668109178.
Please subscribe to my YouTube Channel” StarsPhotog Vidz http://www.youtube.com/afsancon1 for the video interview of Ms. Aiai Delas Alas about her new restaurant….