Papi Charlz of MOR 101.9 from Disc Jack to Businessman

Nagsimula sya bilang isang merchandiser sa isang local brand na alak sa Cebu, naging on-premise coordinator din sya sa isang hotel sa Davao, ngayon ay isa na syang sikat na DJ ng MOR 101.9 For Life, isang FM station ng ABS-CBN dito sa Manila.

Yan si Charlie Felisilda na kilala bilang si DJ Papi Charlz, na ngayon ay isa na ring businessman dahil sa pagtatayo nya ng kanyang sariling bar, ang Papi’s Crib Bar Lounge na matatagpuan sa 1602 Adriatico Street cor Pedro Gil, Malate Maniia. 

”Never ko itong pinangarap, nakita ko lang yung opportunity na pwede ko palang magamit ang mga past experiences ko bago ako naging DJ, para makapagtayo ng sariling business, sa tulong na rin ng aking business partner.

“Masasabi ko rin na, this is the fruit of my labor sa pagiging DJ ko, ang magkaroon ng sariling business.” yon ang pahayag ni DJ Charlz tungkol sa pagtatayo nya ng sariling business na bar lounge.

“Papi’s Crib ang pangalan ng Bar Lounge ko, kasi feeling ko crib ko any business ko na ito, pag wala ako sa booth ng radio station, pwede ko pa ring i-express any pagiging entertainer ko sa pamamagitan nito. Kasi dito so Papi’s Crib Bar Lounge ay mayroon entertainment tulad ng ”Comedy Act,” ”Banda,” may mga mag pe-perform din na singers at dancers. At pwede rin itong maging venue sa isang party. Syempre, pang wholesome naman na entertainment na mayroon dito.”

Laking General Santos City si DJ Papi Charlz , nagsimula sya bilang DJ sa GMA Davao. Bukod sa pagiging DJ that time ay nag manage din sya ng banda – ang 10-17 Band. Hanggang sa nalipat sya sa MOR GenSan, halos dalawang taon din syang naging DJ doon. Taong 2009 ay nalipat sya sa MOR Manila. Dahil nga taga GenSan si DJ Charlz, 60% ng kanyang menu sa Papi’s Crib Bar Lounge ay “Tuna Menu” dahil nais nya ngang tulungan ang kanyang mga kababayan sa GenSan.

Mapapakinggan ang kanyang programang Ready Get MORe sa MOR 101.9 For Life mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00am 11:00pm kasama si DJ lnday Yumi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s