Pagmamahal sa pamilya mangingibabaw sa pagtatapos ng “My Dear Heart”

Patuloy na nagbabahagi ng mga aral tungkol sa pamilya, pagmamahal, at pagpapatawad ang ABS-CBN primetime series na “My Dear Heart” na lubos na tinangkilik at minahal ng mga manonood gabi-gabi.  At inaabangan na nga nila ang magiging kapalaran ng batang bida na si Heart sa pagtatapos ng serye at kung ligtas na nga ba siya sa paghihiganti ni Dok Francis.

Muling hinangaan at kinapulutan ng aral ang palabas nang patunayan ni Margaret (Coney Reyes) na walang bagay o yaman ang makapapantay sa pamilya matapos ang paghaharap nila ng mortal niyang kaaway na si Albertus (Robert Arevalo) noong Martes (Jun 6). Ipinakita niyang posibleng magbago ang isang tao sa pamamagitan ng pagmamahal sa pamilya at pagtanggap ng mga kamalian.

Bukod kay Margaret, kinabiliban din at nagsilbing magandang ehemplo sa kabataan ang batang si Heart sa pagkakaroon niya ng busilak na puso, na pinagkukuhaan naman ng lakas ng kanyang pamilya. Naging instrumento rin siya upang baguhin ang mga tao sa kanyang paligid at nagbigay inspirasyon upang mangibabaw ang pagmamahal sa kanilang mga puso.

Hindi naman naging rason ang mga pagsubok para kina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) upang sumuko. Nanatili silang matatag at puno ng pasasalamat sa Diyos sa kabila ng lahat ng sakuna na kanilang hinarap, at nagbigay ito ng inspirasyon sa mga manonood.

Ginawa mang manhid ng kanyang mga karanasan, muling lumambot ang puso ni Gia (Ria Atayde) para sa kanyang anak at ibinigay ang lahat ng kanyang kaalaman at pag-aaruga upang mapagaling at mapabuti ang kalagayan nito.

Samantala, dahil nga sa mga aral na ibinabahagi ng serye, labis na kinaantigan at kinapitan ng mga manonood ang mga eksena ng palabas, kaya naman tinutukan ito gabi-gabi ng mga manonood sa buong bansa. Ayon sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang “My Dear Heart” ng pinakamataas na national TV rating na 32.6%, at hindi kailanman naungusan ng mga naging katapat nitong programa.

Matindi rin ang suporta ng netizens para sa palabas sa pagiging trending topic nito gabi-gabi sa Twitter at pag-ani ng papuri at libo-libong tweets.

Samantala, bagama’t nahuli na si Francis (Eric Quizon) sa kanyang mga kasamaan, gagawa naman ng paraan ang ama nitong si Albertus (Robert Arevalo) upang ipagpatuloy ang pagpapabagsak kay Margaret at pagsira sa pangalan nito. Ngunit hindi ito dahilan para sa pamilya ni Heart na sumuko at patuloy pa ring lalaban para kanyang paggaling.

Magtagumpay kaya si Albertus sa kanyang mga plano? Tuluyan na nga kayang gumaling si Heart? Ano pa nga kayang panganib ang nagbabadya sa kanila mga buhay?

Huwag palampasin ang huling linggo ng teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang “My Dear Heart,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s