“Katorse Obtineo” Painting Exbibit

Sabi nga ni Boy Abunda “Make Your Mama Proud,” dahil isa sila sa nagsasakripisyo para maitaguyod at mapalaki tayo ng maayos at matiwasay. Sila ang nag-aaruga sa atin sa oras n g ating pangagailangan. Pero karamihan sa ating mga ina ay hindi lang pang bahay, ang ilan  sa kanila ay may kani-kanila na ring career sa buhay.

Tulad na lamang ng labing apat na painter, labing isa ang ina sa kanila  na sina Tere Buiser, Connie Cabalar, Charmaine Cristobal, Maria Candida Flores, Esther Garcia,  Naning Molata, Raks Molata, Anafe Nemenzo, Ayen Quias, Tess Torda at Khristina Manansala  (founder)  at  tatlo sa kanila ay mga dalaga pa,  na sina Jeanette Kamphuis,  Inka Madera at  Liza Oppus,  na magkakaroon ng kanilang Painting  Exhibit na pinamagatang “Katorse Obtineo”  na gaganapin sa Fernando Sena Buenas Artes Studio, 77-B R. Alvero Street, Loyola Heights, Xavierville Subdivision, Quezon City, mula  July 1, 2016 (Friday) 6:00pm hanggang  July 15, 2016.

Ididisplay sa exhibit na ito ang 42 paintings ng 14 na inang painters na may size na 18×24, tig 3 paintings bawat isang painter  ang  i-showcase nila para ipakita ang kanilang galing sa pagpipinta. Magkakaroon din ng sketching session ang mga painters sa mismong gallery sa July 10, 2016 (Linggo). Iniimbitahan lahat ng painting collectors na dumalo para makabili sila ng paintings sa mababang halaga. Inaanyayahan din ang lahat ng mahilig sa paintings,  maging yung hindi mahilig  sa paintings,  lalo na yung mga ina na dumalo sa painting exhibit na ito,  para makita ang magagandang paintings na obra din ng kanilang kapwa ina.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s