Jaclyn Jose Nakaranas ng Pinakamahabang Palakpak Sa Cannes Film Festival

 

IMG_5276

Isang malaking karangalan na naman sa bansa ang ma-recognized ang galing ng Pinoy nang tanghalin bilang Best Actress ang batikang artistang si Jaclyn Jose sa katatapos na Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma’Rosa na idinerehe ni Direk Brillante Mendoza. Si Jaclyn ang kauna-unahang Southeast Asian Actress na tinanghal bilang Best Actress sa Cannes Film Festival . Kaya nga nagdiwang ang buong bansa sa pagkapanalo ng actress. Nagmistulang Miss Universe din si Jacklyn Jose sa pagdating nya sa NAIA mula Berlin  nang salubungin sya ng media sa NAIA  at nagkaroon din ng Welcome Dinner Victory  Party na ini-organized Sinag Maynila para  sa casts at direktor ng Ma’Rosa dahil sa tagumpay na kanilang nakamit sa Cannes Film Festival sa pangunguna ni Mr.Wilson Tieng, President/CEO of Solar Entertainment Corp. na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel noong May 25, 2016. Nakausap ng inyong StarsPhotog ang sina Jaclyn Jose tungkol sa kanyang tagumpay sa Cannes Film Festival at ito ang kanyang pahayag.

Jaclyn: “Noong nagpalakpakan ang halos lahat ng audience sa awards night, I have this the feeling na they all agreed, if not all of them but most of them talagang pumalakpak during that time na umakyat ako ng stage. Yun yata ang pinaka matagal na palakpak na na experience ko sa buong buhay ko sa showbizness, sa mga awards na natanggap ko. Feeling ko deserving ako for them, they made me feel that, wala akong narinig from other corners ng boo!  They we’re all standing  and clapping, that was I observed.”

Nakausap din inyong lingkod si Direk Brillante tungkol sa kung ano ba ang plot story ng Ma’Rosa at ito  ang kanyang pahayag.

Direk Brillante: “Yung Ma’Rosa ay tungkol sa mag-asawa-si Jacqueline at si Julio,  na nag-mamay-ari ng isang Sari-Sari Store. Siguro dahil sa kahirapan, on-the-side, meron silang side-line na magbenta ng shabu na very rampant naman dito Pilipinas ngayon. Nagkaroon ng parang turuan at nahuli sila. Nagkaroon dito ng isang sitwasyon na kailangan nilang lumaya at bayaran ang kanilang kalayaan. At ang mga anak nila ang gumawa ng paraan para makalaya sila.”

Based on the  true-to-life story po ba yung istorya ng Ma’Rosa?

Direk Brillante: “Oo, lahat naman ng mga ginagawa kong istorya ay base sa totoong kwento ng mga Filipino-hindi lang naman ito,  maging yung mga nauna kong films. Kasi sila ang reference ko, dun umiikot yung kwento ko, tungkol   sa mga ordinaryong Pilipino na may ganitong klaseng buhay.”

Hindi po ba kayo nahirapang i-shoot sina Andi at Jaclyn? Wala po bang clash na namagitan sa dalawa during the shoot?

Direk Brillante: “Wala naman! Maganda nga,  kasi natutuwa ako na first time nilang gumawa ng pelikulang magkasama, at sa pelikula ko pa ito. Kasi Jacqueline is a long time friend, si Andi naman, maliit palang yan ay kasa-kasama na ni Jacqueline pag pumupunta ako sa bahay nila.”

Ano po yung gustong ipakita ng film nyong  Ma’Rosa  about drug pushing?

Direk Brillante: “Actually dito sa Pinas  is very rampant  ang drug addition at nangyayari  sya sa totoong buhay. I think, this is a wake-up call for our countrymen, for the people also na nasa gobyerno. Para maintindihan din natin na may nangyayaring ganito sa lipunan. Na hindi  ito dapat tino-tolerate at hindi rin ito dapat gawing way of life. Dito sa pelikula ay pinakita ko na dapat ay  maalaala natin na eto ay nangyayari at totoong nangyayari  sa buhay natin at dapat ay may gawin tayong solusyon  tungkol dito.”

Napag-alaman ng inyong StarsPhotog na balak isali ni Direk Brillante Mendoza na isali sa Metro Manila Film Festival ang Ma’Rosa ngayong Disyembre 2016 under the distribution ng Solar Films.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s