JADINE, BALIK-PELIKULA SA LIGHT AT FEEL-GOOD SUMMER MOVIE NA “THIS TIME” NG VIVA FILMS

 

BALIK-PELIKULA ang hottest reel at real-life loveteam ng bansa, ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, sa light, feel-good summer movie ng VIVA Films, “THIS TIME,”na mag bubukas sa mga sinehan nationwide simula May 4.

Sa last shooting day ng pelikula ay  kinuwento ni James kung gaano sila ka-excited ni Nadine na gumawa ng bagong movie matapos ang highly successful na pagtatambal sa telebisyon sa “On the Wings of Love” ng ABS-CBN.

Na-miss daw nilang umarte sa pelikula, lalo na’t di hamak na mas light ang This Time kumpara  sa tatlong nauna nilang pelikula, ang “Diary ngPanget,” “Talk Back and You’re Dead” at “Para Sa Hopeless Romantic” at magingsa “OTWOL.”

Sa “This Time,” na dinirek ni Nuel Naval mula sa screenplay ni Mel del Rosario, si James si Coby, isang lolo’s boy na mula pagkabata’y malapit na ang loob  sa kaibigang si Ava (Nadine). Tuwing summer lang nagkikita ang dalawa at doon masusubukan ang tatag ng pagsasama nila na isang long distance relationship.

Sabi nga ni James, “I guess this movie, it’s more focused on the love, the relationship. It goes deeper into relationships like long distance relationship.

“I can’t say it’s more mature ’coz it’s very light. So easy to watch. Kissing scenes? Let’s see. We can’t beat ‘OTWOL.’”

Agree naman si Nadine sa sinabi ni James, “Well, this time, super light po siya, as in. Kasi ngapo summer movie siya, so, parang gusto po natin na sobrang light langsiya and General Patronage lang.”

Limang araw na  nag-stay ang magka-loveteam  sa Saga, Japan, kung saan kinunan ang ilang importanteng  eksena sa “This Time.” Sobrang na-enjoy daw nila ang biyaheng  iyon dahil nga first time ni Nadine sa Japan at childhood dream niya ang makakita ng Cherry Blossoms.

“I was very happy for Nadine. It’s her first time to see Cherry Blossoms. It’s my second time. It’s been her dream since she was a kid, so, I was very happy for her,” diin ni James.

Bukod sa memorable experience na ito, na-feature pa ang showbiz pair sa isang sikat na news channel sa Japan.

Kwento  ni James, “We went to eat right after the interview and it was airing on TV and then I looked and I go like ‘wait, are we in the Philippines?’ We were really surprised.”

Pagdating  sa mga bagong discovery bilang working partners ngayong sila na  maging sa totoong buhay, parehong wala ang sagot nina James at Nadine.

Siguro raw kasi, matagal na silang magkakilala kaya halos kabisado na nila ang ugali ng isa’tisa.

Kung meron mang  nalaman si Nadine tungkol  kay James lately, aniya, “Marunong pala siyang magplantsa!”

Maging sa rivalry at competition, hindi affected ang dalawa. Sabi ni James, kailangan ng healthy competition sa business na ito.“It’s definitely a necessity,” dagdag niya.

Masuwerte raw sila ni Nadine sa  pagkakaroon ng loyal at amazing fans at sa  mga ito nila ina-attribute angpagiging number one loveteam ng JaDine.

“Well, I guess we have the fans to thank for that. When they say we’re number one ’coz we have a lot of projects right now, very successful TV show, everything’s going really well, it doesn’t mean we’re better. We just have amazing fans,” aniya.

Sobrang supportive ng  JaDine followers dahil  sa ngayon, sangkaterbang block screenings nang “This Time” ang naka-schedule matapos   ang premiere night sa May 3 at regular showing sa May 4.

Matapos ang opening day, nakatakdang lumipad patungong US at Canada ang magkapareha para sa continuation ng highly successful JaDine in Love concert tour nila sa May 12. One month silang mawawala sa ‘Pinas.

Pero bago ‘yon, magse-celebrate muna si James ng kanyang birthday sa May 11.

Wala pang plano ang dalawa kung paano ipagdiriwang  ang  araw na ‘yon at siyempre, secret pa ang ireregalo ni Nadine sa BF.

“Wala naman po kasi siyang gusto,” rason ni Nadine.

Samantala, makakasam ang  JaDine bilang support cast sa “This Time” ang ilang beteranong actor at actress gaya nina Al Tantay, Freddie Webb, Nova Villa, Ronnie Lazaro, Candy Pangilinan at ang VIVA artists na sina Yam Concepcion, Donnalyn Bartolome, Issa Pressman at Bret Jackson.

Kiligin at ma-in love kasama sina James at Nadine sa  pinakaromantikong summer movie ng taon, ang “This Time.” Mapapanood na  simula sa May 4 in theaters nationwide, mula  sa VIVA Films. Panuorin!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s