Direk Brillante Mendoza Patuloy Na Nagdi-Discover ng Mga Bagong Film Makers

Photography by ALVIN MARITAN

Isa si Direk Brillante Mendoza Patuloy Na Nagdi-Discover ng Mga Bagong Film Makersi Direk Brillante Mendoza sa mga matagumpay na direktor na masasabi  nating nagbabahagi ng kanyang mga kaalaman sa mga bagong  film makers sa bansa, lalo na sa mga kabataan na nais maging matagumpay sa larangan ng sining ng pelikula. Sa katatapos ng graduation ng  Brillante Mendoza Film Workshop 3 na ginanap sa Samsung Hall ng  SM Aura  April 28, 2016, Thursday  ay natunghayan ng inyong StarsPhotog ang ganda ng mga short films na ginawa ng mga estudyante ni Direk Brillante Mendoza. Kitang-kita ang dekalidad at ganda ng pagkakagawa ng bawat short films na kanilang ginawa. Ika nga ng ibang nakapanuod, kitang-kita ang “Tatak Brillante Mendoza,”  ng mga pelikula. Matapos ipalabas ang bawat short films na kanilang ginawa ay nagkaroon din ng awards ang mga short films na nangibabaw sa ganda ng pagkakagawa, maging ang mga bagong artista  na nagpakitang gilas sa pag acting. Ito ang listahan ng mga nagwagi sa Brillante Mendoza Film Workshop 3.

Best Film: “Ang Guro” (Vanju Alvaira) at “Idolo” (Daniel Palacio)

Best Film Samsung Award: “Repleksyon” (Nimrod Sarmiento)

SM Choice Award: ”Ang Guro” (Vanju Alvaira)

Best Actor:  Elijah Filamor (Idolo)

Best Actress: Rona Ilalana (Strawberry Girl)

Tuwang tuwa naman si Direk Brillante Mendoza sa tagumpay ikatlong taon ng kanyang Film Workshop dahil habang tumatagal daw ay mas marami ang kanyang na di-discover na talent pagdating sa film making.

“Masaya kami kasi every year ay nagkakaroon ng panibagong lessons, kasi we keep on improving the workshop . Ibang-iba na yung proseso sa pag-gawa nila ng pelikula. Mayroon silang mga exercises maging sa pag-akting. Saka very hands-on kami sa pag-gawa nila ng pelikula,” pahayag ni Direk Brillante

Kaalinsabay nito ay matagumpay din na nagtapos ang Sinag Maynila noong April 26, 2016 sa SM Megamall na kung saan ay tampok ang pelikulang “The Surprise.” Matatandaang ipinalabas  ng Sinag Maynila Independent Film Festival  2016 ang limang  dekalidad na pelikulang tumatak sa puso ng mga manunuod. Ito ay Lila, T.P.O, MRS., Expressway at Dyamper na ipinalabas sa mga piling SM Cinemas sa Metro Manila  mula April 21-26, 2016. Sinimulan ito ng pelikulang “Human” noong April 21, 2016 matapos ang Opening Ceremony,  na ginanap din sa SM Aura Cinema 1. Naway magpatuloy ang pag-gawa ng mga ganitong klaseng pelikula na nagbibigay mulat sa buhay ng bawat Pinoy.

 

Advertisements

One thought on “Direk Brillante Mendoza Patuloy Na Nagdi-Discover ng Mga Bagong Film Makers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s