53rd Bb. Pilipinas coronation night ipapalabas ng ABS-CBN TFC worldwide sa April 17

Sino ang susunod sa yapak ng 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach?

Paparada na ngayong April 17 ang 40 na piling kandidata sa darating na53rd Binibining Pilipinas Coronation Night para sa chance na makamit ang Binibining Pilipinas Crown sa Araneta Center, Quezon City at ipapalabas ng
ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) worldwide.

Matapos makamit ng homegrown Kapamilya na si Pia Alzonzo Wurtzbach ang pinakaaasam-asam na korona sa buong daigdig, nakaabang na ang lahat ng Filipino sa susunod na lalaban para sa Miss Universe pageant na malimit ganapin tuwing Disyembre.

Apatnapung kandidata ang napili matapos ang masusing pagsusuri noong January.  Ngayon, itatayo nila ang bandera ng kani-kanilang rehiyon para makamit ang Binibining Pilipinas title sa coronation night na tinaguriang “Celebration.  The Best Party Ever.”

Kabilang sa mga contestants ang mga local pageant winners, mga mag-aaral mula sa pinakarespetadong educational institutions, mga artists, sports at fashion enthusiasts at working professionals.

Ang best of the best ay maglalaban para sa mga sumusunod na titles: Miss Universe Philippines; Binibining Pilipinas – International; Binibining Pilipinas – Intercontinental; Binibining Pilipinas – Supranational; Binibining Pilipinas -Grand International and Binibining Pilipinas – Globe.

Mas matindi pa ang laban dahil muling uuwi si Ms. Pia Wurtzbach para sa kaniyang farewell walk at upang koronahan ang Binibining mananaig.

Bukod kay Pia, nanalo rin ang iba pang 2015 winners sa kani-kanilang kumpetisyon: Anne Colis bilang Miss Globe 2015 title; Parul Shahbilang Miss Grand International 2015 3rd Runner-up; Christy McGarrybilang Miss Intercontinental 2015 1st Runner-up; Rogelie Catacutanbilang Miss Supranational 2015 semifinalist; at Janicel Lubina na napabilang sa Top 10 ng Miss International pageant, at nanalo rin bilang Best Dresser.

Ang 53rd Binibining Pilipinas Grand Coronation Night: Celebration. The Best Party Ever” ay pamumunuan ng hosts na sina Xian Lim at KC Concepcion, kasama ang former Binibining Pilipinas winners na sinaKris Tiffany Janson, Bianca Guidotti at Laura Lehmann.

Abangan kung sino sa forty candidates ang tatanghaling 2016 Miss Universe Philippines at iba pang title holders sa 53rd Binibining Pilipinas Grand Coronation Night airing live via VOD platforms ng TFC (sa halagang USD 4.95 na may 24-hour VOD access) at via delayed telecast sa satellite at cable platforms ng TFC.

Maaari ring balikan ng TFC IPTV at TFC.tv Premium at Plus subscribers ang winning moments sa loob ng isang linggo pagkatapos ng pageant.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang facebook pages ng TFC worldwide. (Photos courtesy of Miss Universe Organization and Binibining Pilipinas Charities Inc.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s