SUPER D, KAPANGYARIHAN NG PAGMAMAHAL ANG SANDATA

IMG_3399

Photography by ALVIN MARITAN

Dominic Ochoa at Marco Masa, bibida sa “My Super D” simula ngayong Lunes

Inihahandog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television ngayong summer ang kwento ng kabayanihan na magpapatunay na kahit ordinaryong tao, maaaring maging superhero basta’t gamit ang kapangyarihan ng pagmamahal sa “My Super D” na pagbibidahan nina Dominic Ochoa at Marco Masa simula ngayong Lunes (Apr 18).

Gaganap si Dominic bilang si Dodong, isang security guard na lubos na iniidolo ang yumaong superhero na si Super D (Richard Yap) at laging handang sumaklolo sa mga taong nangangailangan. Ang anak naman niyang si Dennis, na gagampanan naman ni Marco, ay namulat sa isang masayang pamilya at namana ang pagiging matulungin ng kanyang ama.

Ngunit dala ng sobrang pagiging matulungin ni Dodong, hindi maiwasan na unahin nito ang kapakanan ng iba at maging palpak pagdating sa kanyang sariling pamilya. At nang makulong nga ito matapos ang isang construction accident, nagpasya ang kanyang asawang si Nicole (Bianco Manalo) na iwanan na si Dodong at mag-isang itaguyod si Dennis.

Sa kanyang paglabas sa kulungan, mamamasukan si Dodong bilang stunt double ni Tony (Marvin Agustin), isang aktor sa isang children’s show at karibal niya kay Nicole. Dito niya rin makikilala si Pablo Mateo (Nonie Buencamino), ang writer ng palabas at kaibigan ng kanyang yumaong iniidolong superhero.

Sa pagkamatay ni Super D, naging misyon ni Pablo na hanapin ang taong karapatdapat na pumalit sa superhero, at nakita niya ito kay Dodong. Kaya naman nang ma-kidnap si Dennis, hindi nag-atubili si Pablo na tulungan si Dodong hanapin ang Blue Gem upang ganap na maging si Super D.

Dito maguumpisang sugpuin ni Dodong bilang Super D ang mga krimen upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Ngayon ngang isa na siyang ganap na superhero, makayanan kaya ni Dodong na ipagtanggol ang lahat laban sa kasamaan? Maging prayoridad pa rin kaya niya ang ibang tao kaysa sa kanyang pamilya? Sapat kaya ang lakas mula sa Blue Gem upang matalo ang mga nagbabadyang panganib sa buhay niya at kanyang pamilya?

Kasama rin sa cast ng “My Super D” sina Sylvia Sanchez, Ronaldo Valdez, Jason Francisco, Jayson Gainza, Marina Benipayo, Atoy Co, Myrtle Sarrosa, Jef Gaitan, Louie Domingo, at Bong Regala. May espesyal na partisipasyon din sina Richard Yap, Lara Quigaman, at Ronnie Lazaro. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Frasco Mortiz at Lino Cayetano at panulat ni Shugo Praico.

Huwag palampasin ang pag-uumpisa ng kwentong magpapatunay na kahit ordinaryong tao ay maaring maging superhero, ang “My Super D,” gabi-gabi, bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s