Kapamilya stars sumuporta sa #Vote4ASelfieWorthyPH ng TFC


Pokwang, Dimples Romana, Morissette, Jing Castaneda, Bernadette Sembrano & iba pang celebrities tumugon sa panawagan ng TFC para bumoto ang mga OFs ng tama para sa bansa;
overseas voting nagsimula na

Sa pagbubukas ng 2016 Philippine National Elections sa ibang bansa noong April 9, parami na ng parami ang Kapamilya stars na tumutugon sa panawagan ng The Filipino Channel (TFC) para sa #Vote4ASelfieWorthyPH, ang overseas voting campaign ng premyadong network.

Bahagi ng partnership nito sa Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA OVS) at COMELEC Office for the Overseas Voting, layunin ng kampanyang bigyan ng boses ang overseas Filipinos (OFs) sa pamamagitan ng pagboto.

Binigyang importansya rin ng mga entertainment at news personalities ng ABS-CBN ang paniniwala ng TFC sa kahalagahan ng pagboboto sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang pananaw sa kung ano pa ang maaaring ikagaganda ng bansa.

Ilan sa Kapamilya stars na nakitang nagbahagi ng kanilang selfies at personal na adhikain ay sina comedienne – actress Marietta “Pokwang” Subong; actress at “TFC Connect” host Dimples Romana, “The Voice” semi-finalist “Morissette, Doris “Tart” Carlos ng “Ang Probinsyano;” comedian-host DJ Jai Ho ng “Pangako Sa `Yo;”; indie film actor Nathan Lopez, at Star Magic artist Inah Estrada.

Sa kaniyang, Instagram (IG) post, ibinihagi ni Pokwang ang kaniyang pangarap para sa malinis na kapaligiran sa Pilipinas.  “Luntian at maaliwalas na kapaligiran.  May ganito ring tanawin sa ating bansang sinilangan…At upang mapanatili ang ganda ng lupang pinagkukunan ng biyaya, bumoto tayo ng tama…#Vote4ASelfieWorthyPH.”  Para naman kay Dimples, mahalaga ang bumoto ng tama para sa magandang kinabukasan.  Pahayag niya sa kaniyang IG: “For a brighter future for families, our kids and their kids, vote wisely, Kapamilya!”

Higit pa sa pagbabahagi ng balita tungkol sa overseas vote, nakibahagi rin si “TV Patrol” anchor at Sagip Kapamilya advocate na si Bernadette Sembrano at respected broadcast journalist at overseas Filipino advocate na si Jing Castaneda sa pamamagitan ng pag-selfie sa  mga magagandang tanawin sa Pilipinas na dapat nating ipagmalaki tulad ng Albay at Bohol.

Ayon kay Sembrano na nag-selfie sa malawak na karagatan ng Bohol: “If only the whole world could see how beautiful our country is…”

Samantala, aktibo namang pinapalaganap ng award-winning news personality na si Julius Babao, “Mismo” host ng DZMM na si Awhel Paz, Gretchen Ho ng Boto Mo, I-patrol Mo, ANC, at ABS-CBN Sports+Action;  at “Mornings@ANC” host at widely followed reporter Ginger Conejero ang kampanya sa pamamagitan ng pagbahagi na malayo ang mararating ng pagse-selfie, sa kanilang social media followers.

Ilan pa sa mga nag-selfie ay ang news personalities na sina Tina Marasigan; Barbie Salvador Muhlach ng abs-cbn.com, ANC at DZMM; ang astrologer na si Star Gazer ng DZMM; at DJ ChaCha, at DJ Chinapaps ng My Only Radio For Life (MOR 101.9); at Myx VJ Ai dela Cruz.

Minority vote naman ang pinahahalagahan ni Marasigan. Kaunti o .18% ng total voting population ng Pilipinas ay indigenous per para sa kaniya, gaya ng OFs, may boses pa rin sila.  “Their votes are gold.  THEY…WE are to keep these smiles pure and full of hope for a bright future,” pagtatapos niya.

Sa huling tala ng DFA OVS, may higit sa 1.23 registered voters.  Layunin ng mga ahensiya kasama ng COMELEC OFOV, sa tulong ng kampanya ng TFC, na kumbinsihin ang mga rehistradong mga Filipino na bumoto sa darating na eleksyon.

Maaaring bumoto ang mga OFs mula April 9 to May 9.  Kailangan lang nilang hanapin ang kanilang pangalan sa Certified List of Voters sa comelec.gov.ph.  Maaaring bumoto sa pinakamalapit na Philippine Embassy, Consulate General, MISSION o Manila Economic at Cultural Office (MECO).   Para bumoto, kailangan lamang nilang dalhin ang kanilang passport at valid ID.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang news.abs-cbn.com/Halalan216 o dfa-oavs.gov.ph
Panoorin ang video sa https://www.youtube.com/watch?v=krbxos5SR8k&feature=youtu.be
Ibahagi kung ano ang nais ninyo pang baguhin sa bansa sa pamamagitan ng pag-selfie at pagamit ng hash tag na #Vote4ASelfieWorthyPH
Makikita ang inyong post sa news.abs-cbn.com/Halalan2016/OV kung ang inyong social networking site ay public.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s