Sinag Maynila Film Festival: Muling Mag-iingay sa Kanilang Pangalawang Taon

 

Photography by ALVIN MARITAN

Simula nang ma-i-launched ang “Sinag Maynila Film Festival” noong nakaraang taon ng Marso 2015, naging pambato na ng pilipinas ang ilan sa mga naunang movies nito na napili ng naturang festival upang maging panlaban sa iba’t ibang international film festival.

Sa kanilang pangalawang taon, ang independent film festival Sinag Maynila ay nakapili na ng line-up films para sa opening ngayong Abril 21, 2016 na pinangungunahan ng CEO at Founder na si Wilson Tieng at ng World-renowned at Internationally acclaimed film director Brillante Mendoza, para mag bigay pagkakataon sa mga baguhan at local independent filmmakers na maipamalas ang kanilang mga talento sa paggawa ng mga independent film.

Limang filmmakers ang ma-swerteng napili upang maging kalahok sa nasabing film festival na bubuo ng isang pelikula na magre-reflect sa buhay at kultura ng mga Filipino,  upang maipakita sa buong mundo ang mga mensahe nito, at ito ang mga napiling pelikula na manunuod sa mga piling SM Cinema’s Nationwide mula Abril 21-Abril 26, 2016;

MRS. by Adolf Alix Jr. ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay ng mga Filipino, ipinapakita sa dito kung gaanu mag-mahal at mag-alaga ang mga Pinoy. Pinag-bibidahan ito nina Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Rosanna Roces, Anita Linda at Mark Herras.

 EXPRESSWAY by Ato Bautista isang kwento ng mga sindikato na magpapamalas ng umaatikabong bakbakan at aksyon. Pinagbibidahan ito nina Alvin Benson, Aljur Abrenica, RK Bagatsing, Kiko Matos, Inez Bernardo, Japo Parcero, Arpee Bautista at Jim Libiran.

 DYAMPER by Mes De Guzman hango sa totoong buhay ng mag tao  na tumatalong paakayat sa truck para magnakaw ng mga gamit at pagkain upang ibenta. Pinagbibidahan ito nina Carlo Aquino, Alchris Galura, Tim Mabalot, Kristofer King, Liza Dino-Seguerra at Debbie Garcia.

 T.P.O (Temporary Protection Order) by Jay Altarejos kwento ng battered wife na naghahangad ng kalayaan at proteksyon hindi lang para sa kanya sarili pati na rin sa kanyang anak. Pinagbibidahan ito nina Oliver Aquino, Mara Lopez, Micko Laurente,  Menggie Cobarrubias at Lui Manansala.

 LILA by Gino M. Santos umiikot ang kwento na ito sa isang babae na pilit tinatakbuhan ang kanyang masamang nakaraan, ngunit sadyang bumabalik parin dahil sa mga pangayayari na hindi nya inaasahan. Pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Enchong Dee, Sherry Lara, Miggs Cuaderno, Kate Alejandrino at Socrates Jose.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s