KATOTOHANAN NG NAKARAAN, MABUBUNYAG NA SA HULING DALAWANG LINGGO NG “YOU’RE MY HOME”

IMG_5478

Tila nakuha na ng pamilya Fontanilla ang matagal na nilang inaasam na katahimikan, ngunit isang panibagong gulo mula sa nakaraan ang sisira nito sa huling dalawang linggo ng late-night habit ng bayan na “You’re My Home.”

Ilang taon matapos ang pag-kidnap kay Vince (Paul Salas) na sumira sa kanilang pamilya, muling nanaig ang pag-ibig para kina Gabriel (Richard Gomez) at Marian (Dawn Zulueta) na ngayo’y nagkabalikan na at planong magpakasal muli.

Tanggap na rin ng dalawa si Christian (JC De Vera) bilang bahagi ng kanilang pamilya, at suportado na rin ang napipintong pagpapakasal nito sa anak na si Grace (Jessy Mendiola).

Lalo pa silang pagbubuklurin dahil sa pagdadalang-tao ni Grace, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin magawang tanggapin ng mga Vergara – lalo na ang ama niyang si Victor (Tonton Guttierez) – ang kanilang relasyon.

Ngunit nakatakda na ngang lumabas ang madilim na katotohanan mula sa nakaraan sa unti-unting pagbabalik ng alaala ni Vince.

Sino nga kaya ang kumidnap sa kanya noong bata pa siya? Muli kayang mawasak ang pamilyang minsan nang nasira ng madilim na pangyayaring ito? Paano nito maaapektuhan ang buhay ng mga Fontanilla at Vergara?

Samantala, ibinahagi naman nina Richard at Dawn ang mga natutunan nila sa serye na maaari nilang ibahagi sa mga manonood.

“Never mag-give up sa love, lalong lalo na sa mga anak mo. Kung may pagkakamali sila pwede nating ituwid o pwede natin silang tulungan. Up until the end hindi natin dapat sila iwan,” ayon kay Richard.

Para naman kay Dawn, “Ang natutunan ko the value of love, protecting each other. Na kahit nagkakamali ang loved on natin, nandun pa rin tayo para suportahan siya.”

Samantala, nagpapasalamat `naman sina Jessy at JC dahil nagkaroon ng fans ang team-up nila sa serye na kung tawagin ay “GraceTian.”

“Everytime nanonood ako ng You’re My Home, kinikilig din ako kay Christian at Grace. Na-in love na ako sa characters nila at romantic ang love story nila. Sa lahat ng GraceTians, maraming salamat dahil kami as actors, ginaganahan umarte kasi alam naming kinikilig sila,” pagbahagi ni JC.

“Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nagpupuyat para mapanood ang show namin. Naa-appreciate nila ang hardwork namin. The fact that they stay up late to wait for us and our show is heartwarming. Sa sobrang late ng timeslot hindi namin in-expect na mataas ang ratings at tumatak ang characters at story sa mga tao,” sabi ni Jessy.

Tutukan ang huling dalawang linggo ng “You’re My Home” pagkatapos ng “The Story of Us” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s