MILES AT DIMPLES, MAKIKIPAGBANGAYAN PARA SA KATOTOHANAN AT KARAPATAN KINA ANGEL AT JULIA

And I Love You So,” mas kakapitan ng mga manonood sa huling dalawang linggo…

Paghahanap sa katotohanan at paglaban para sa karapatan ang mamamayani sa tapatan nina Michelle (Dimples Romana) at Katrina (Angel Aquino) at kanilang mga anak na sina Joanna (Miles Ocampo) at Trixie (Julia Barretto) sa huling dalawang linggo ng haponserye na “And I Love You So.”

Ngayon ngang alam na nina Joey (Benjie Para) at Michelle ang matagal nang itinatagong ugnayan nina Katrina at Dexter (Jay Manalo), hindi makapapayag ang dalawa na masira ang kanilang mga plano kaya susunugin nila ang bahay nina Michelle na ikapapahamak ng kanilang mga buhay.

Ngunit agad iikot ang kanilang mga kapalaran dahil mahuhuli ni Trixie sa aktong paghahalikan sina Katrina at Dexter na dahilan para lalong kamuhian ni Trixie ang kanyang ina.

Ngayong alam na niya ang lihim ng kanyang ina, malaman na din kaya ni Trixie na si Dexter ang kanyang tunay na ama? Mapatunayan kaya nina Michelle na may kaugnayan si Katrina sa pagkasunog ng kanilang bahay? Maipaglaban pa kaya nila ang kanilang karapatan bilang mga tunay na Valdez?

Mula nang umere ang “And I Love You So” sa telebisyon, kinapitan ng mga manonood ang kwento ng pagkakaibigan nina Katrina at Michelle na nauwi sa hidwaan nang umibig sila sa iisang lalaki — si Alfonso (Tonton Gutierrez) — na naging ama ng kanilang mga anak na sina Trixie at Joanna.

Ngunit tila mapaglaro ang tadhana dahil gaya nila, naging mortal na magkaribal din ang kanilang mga anak. Mula sa pag-aaral hanggang sa buhay pag-ibig, hindi pumayag si Trixie na maungusan siya ni Joanna. At lalo pang tumindi ang kumpetisyon sa pagitan nila nang malaman nilang sila pala’y magkapatid sa ama.

Pero ang lahat ay pawang kasinungalingan lamang sa rebelasyong hindi si Alfonso ang tunay na ama ni Trixie kung hindi si Dexter, isang bartender na may relasyon kay Katrina.

Sa una niyang pagbida sa isang teleserye, ipinamalas ni Miles Ocampo ang kanyang galing bilang aktres at nakipagsabayan sa batikang cast ng “And I Love You So.”

Hindi rin naman nagpahuli si Julia Barretto na kinainisan ng mga tao dahil sa kanyang pagtataray at pang-aapi sa karakter ni Miles. Pinatunayan din ng batang Barretto na hindi lamang ganda ang mayroon siya kung hindi pati na rin ang husay sa pagganap bilang kontrabida.

Tinutukan din ang maiinit na salpukan ng dalawang batikang aktres na sina Dimples at Angel na tumatak sa mga manonood.

Sa ilalim ng direksyon nina Onat Diaz at Jon Villarin, ang dekalibreng serye na ito ay ipinroduce ng Dreamscape, na siya ring nasa likod ng nasa phenomenal hit dramas na “FPJ’s Ang Probinsyano,” “On the Wings of Love,” at “Doble Kara.”

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng “And I Love You So” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s