COMEBACK ALBUM NI JOLINA SA STAR MUSIC, NAKA-GOLD RECORD AGAD

 

“Home sweet home” ang pakiramdam ni Jolina Magdangal ngayong nagbalik na siya sa Star Music – ang recording label sa likod ng pinakamalalaki niyang pop hits – sa pamamagitan ng isang bagong album na puno ng love songs, ang “Back to Love.”

“’Yun talaga ako, ma-love songs ako. Ma-senti. Masaya ako ‘pag kumakanta ng hugot songs. Mas kinikilig ako pag senti ‘yung kanta,” ibinahagi ni Jolina.

Naging mainit din ang suporta ng fans sa pagbabalik ni Jolens sa recording scene dahil nakakuha agad ang “Back to Love” ng gold record award matapos mabili ang mahigit 7,500 kopya ng CD, dalawang linggo lang matapos itong i-release.

Ayon kay Jolina, napakapersonal din ng “Back to Love” – ang unang album niya sa Star Music sa loob ng 14 na taon – dahil naging hands-on siya sa paggawa nito.

“Super hands on ako sa album na ito. In-involve ko talaga ang sarili ko sa lahat – mula sa pagpili ng konsepto, pagpili ng songs, paggawa ng cover hanggang sa music video. Sobrang thankful din ako na binigyan ako ng chance ng Star Music,” aniya.

Tampok sa “Back to Love” ang unang single nito, ang “Ikaw Ba ‘Yon,” kasama ang “Kaya Mo Pa Ba,” “Paano Na To,” at “Nasaan Na” na pawang mga kantang nagsusumamo ng lumbay at pag-ibig.

Kabilang din sa album ang ‘90s hit ni Jolina na “Kapag Ako Ay Nagmahal” na mayroong 2015 version at isang remix tampok si Gloc-9.

Nagbabalik din dito ang “Chuva Choo Choo 2.0,” na mas naging kwela pa kasama ang ‘unkabogable’ star na si Vice Ganda.

Kasama rin sa track list ang “Sa Panaginip Lang,” “Still You,” “Ganito Pala Ang Pag-ibig,” at “Throwback Lang,” kung saan ka-duet ni Jolina si Kyla.

Ang “Back to Love” ay kasalukuyan nang napapakinggan sa Spotify at kasalukuyan nang nabibili sa record bars nationwide sa halagang P299 lang. Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s