Matteo Guidicelli May Bagong Inspirasyon Ngayon


Isang dream come-true para kay Matteo Guidicelli ang kanyang role sa Dolce Amore bilang si Italyanong bestfriend ni Liza Soberano at soon magiging third-party sa tambalan ng LizQuen loveteam. Dahil nasabi ni Matteo na pangarap ng kanyang lolo na gumanap sya sa movie or isang teleserye sa papel ng isang Italyano dahil ito naman talaga ang kanyang lahi (Filipino-Italian). Finally sa teleseryeng Dolce Amor ay natupad ang pangarap ng lolo nya para sa kanya. Siya pa nga raw ang nagtuturo kay Liza ng tamang lengwahe kung paano mag-Italian sa kanilang teleserye. Ma-swerte talaga itong si Mateo hindi lang sa kanyang career maging sa kanyang lovelife na kahit ilang beses nang na-issue na hiwalay na sila ni Sarah Geronimo ay di sila nagpadala at patuloy na tumitibay ang kanilang pag-iibigan.

Sa kabila ng pagiging busy ni Matteo sa kanyang career bilang actor, abala rin si Matteo sa kanyang pagiging athlete. Dating go-kart racer at ngayon ay isa nang triathlete. Kitang-kita naman sa kanyang makisig na pangangatawan kung gaano sya maalaga sa kanyang kalusugan. Isa si Matteo sa mga in-demand actor ngayon na maraming ini-endorsong produkto. Natatandaan ko, na nabanggit ni Matteo sa isang press conference na kabila ng kanyang madaming endorsement, sinisurado nya na may kalidad at naaayon sa kanyang personal na lifestyle ang produkto at brand na kanyang ini-endorso. Isa nga rito ay kung anong damit at sapatos ang kanyang isusuot mapa-taping man o para sa kanyang pagtakbo bilang isang triathlete.
Kamakailan ay pumirma ng kontrata si Matteo Guidiceli bilang isa sa brand ambassador ng isang kilalang international footwear brand na Saucony. Perfect ang footwear brand na ito para sa pagiging aktibo ni Matteo hindi lang sa kanyang showbiz career maging sa kanyang pagiging atleta. Siguradong tutugma sa taste ni Matteo ang Saucony shoes dahil sa ganda ng mga design nito, tibay ng pagkakagawa at kumportable para kanyang pagtakbo. Nakatakdang i-launch ng Saucony Philippines si Matteo Guidicelli bilang kanilang bagong brand ambassador ngayong Marso 2016. Bukod kay Sarah, paniguradong may bago na naman syang inspirasyon para sa kanyang pagtakbo. Ito ang Saucony na kanyang i-e-endorso. Kaya abangan nating lahat, ang mga isusuot ni Matteo na iba’t-ibang design at style ng Saucony shoes sa kanyang mga tapings, shows at pagtakbo. Lalo na’t maraming bagong design at kulay ang Saucony shoes na lalabas ngayong taon na siguradong swak sa panlasa ng mga Pinoy.

Sa darating na March 6 ay makikipagtunggali si Matteo sa Century Tuna Ironman na gaganapin sa Subic,na kung saan ay official na footwear sponsor ang Saucony.

Bisitahin ang mga Saucony retail stores sa UP Town Center, TriNoma, and Glorietta 3. Saucony Originals ay available din sa Complex Lifestyle Stores (Shangri-La Plaza, TriNoma, Eastwood Mall, Fairview Terraces, Glorietta 5, Alabang Town Center, Festival Supermall, Solenad-3 Nuvali, Marquee Mall, Robinsons Galleria Cebu, Uptown BGC at Shoe Salon). Available din ang Saucony sa online: Mag-log-on sa http://www.complexlifestylestore.com.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s