HAPPY TRUCK, HAPPINAS MAS PINASIKSIK SA SAYA AT PAKWELA

Photos by ALLAN SANCON

Text by ALVIN MARITAN

Aliwan, tawanan at mga bagong sorpresa ang ibibigay sa atin ng mas pinasaya, mas pinakwela, at mas pinagandang Sunday noontime show ng Kapatid Network TV5 ang “HAPPYTRUCK, HAPPinas” na mag sisimula na ngayong March 6 (Linggo), 11AM.
Hindi natin maikakaila na naging patok ito sa mga manonood noong “Happy Truck ng Bayan” pa ito, na nagpasaya at nagbigay ngiti sa atin tuwing Linggo ng tanghali, kaya nagkaroon ng malaking pagbabago sa buong programa upang ito’y mas palawakin at pagandahin.

Ang subok na at kwelang tandem nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs pa rin ang tatayong poste o main hosts ng programa na kinabibilangan din ng kapatid network hunk na si Derek Ramsay at bigating Kapatid stars na sina Gelli de Belen, Tuesday Vargas, Empoy, Tom Taus, Kim Idol, Alwyn Uytingco, Ritz Azul, Eula Caballero at ang all-girl group na Sugar and Spice bilang “The Happy Peeps”, at syempre patitingkarin ito ng mga bago pa nilang makakasama, sa pangunguna ng new child wonder na si Alonzo Muhlach, ang 2016 “It” Girl na si Shy Carlos, “Princess of the Dance Floor” Yassi Pressman, VIVA artists na sina Meg Imperial, Bangs Garcia, Sam Pinto, Ella Cruz, Roxee B., Kim Molina, Monica Cuenca at ang all-male Barkadang YOYOL (You Only Live Once Lang) na kinabibilangan nina Akihiro Blanco, Andrew Muhlach, VJ Marquez, Jason Salvador, Owy Posadas at ang bunsong kapatid ni James Reid na si Jack Reid.

Magkakaroon din ito ng masaya ngunit medaling mga palaro upang hindi na mahirapang makuha ang mga papremyo ng mga game segment nito, gaya nalang ng “Linggo Limbo”, “Dummy Kong Tawa ni Kim Idol”, “MY DIY (My Daddy is Yummy)” na isang search para sa good looking at hot daddies sa studio, Mutya Kang Bayan (The Next Beks Factor) na isang talent search ng mga beki na may kakaibang uri ng hanapbuhay, at may remote segment din na gaganapin sa mga barangay na kanilang pupuntahan, tulad ng “Kalye Diva”, “I-Peg Peg Mo” para sa mga may celebrity look-a-like, “Special Delivery”, kung saan pwedeng iboto ang isang kabarangay na may mabuting kalooban at pagkalooban ng regalo ng HAPPY TRUCK, at nariyan din ang Basagan ng Brains, IQ ay Pilipino, OJ In-Between, VideoOK, KantaRant, Quick ang Answer, Pik Pak Boom, Walang Hulugan! at Walang Basagan ng Trip.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s