Ang Panday, Mapapanood na sa Primetime ng TV5

Text by:  Alvin  Maritan

Photos by : Allan Sancon

Siguradong papatok sa mga manunuod ang pagbabalik ng pinaka-legendary komik superhero ng mga Pinoy “Ang Panday” sa primetime ng Kapatid Network na nagsimula na noong Lunes, Pebrero 29, 2016, at mapapanuod tuwing Lunes, Martes at Huwebes. Kamakailan lang ay nagkaroon ito ng pilot episode screening na ginanap sa SM Aura Cinema noong Pebrero 23, 2016 (Martes).

Star studded ang naturang screening, dahil dinaluhan ito ng mga lead stars tulad nina Richard Gutierrez, na suportado ng kanyang kasintahan na present din sa screening na si Sarah Lahbati at kanilang poging anak na si Zion, na excited na mapanuod ang kanyang daddy sa TV bilang si Panday . Kasama din ang kanyang mga leading ladies sa iba’t-ibang panahon sa naturang palabas na sina Sam Pinto, Bangs Garcia, at Jasmine Curtis. Dumalo din ang Pamilya Gutierrez na pinangunahan ni Eddie Gutierrez at kanyang asawa na si Annabelle Rama at ang iba pa nilang mga anak, tulad nina Ruffa Gutierrez, Elvis Gutierrez at Raymond Gutierrez.

Mapapansin ang kasiyahan sa kanilang mga mukha at ang excitement nang lumabas sa sinehan ang iba sa mga press na dumalo, dahil na rin sa magandang plot at sequence ng palabas, hindi maikakaila ang galing ng direktor na nakaisip sa mga bagong kakahantungan ng mga karakter, hindi lang din sa kagandahan nito, ibang-iba ito sa “Panday” na napanuod natin sa mga nakaraang taon. Napaka-superb acting skills din ang ipinamalas ni Richard Gutierrez sa karakter nito, na matatandaang sinabi ng may akda ng istorya na si Carlo J. Caparas na si Richard ang pinaka well-deserved na actor ang dapat na gumanap sa panahon ngayon bilang si Panday.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s