Kim Chiu Nailang sa Love Scene Nila Ni Xian Lim sa Kanilang Bagong Teleserye

 

Text by Alvin Maritan

Hindi na mapipigilan ang pagbabalik-tambalan nina Kim Chiu at Xiam lim (kimxi), sa kanilang unang pagbibidahan bilang loveteam sa primetime drama series ng ABS-CBN ngayong February 29, 2016. Matatandaang nakilala ang kanilang team-up sa “My Binondo Girl”, “Ina, Kapatid, Anak”, at sa kanilang mga block-buster movies tulad ng “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?”, Past Tense”, and “ Bride For Rent” na isa sa mga highest-grossing Filipino Films of all time. Naging tampok din sila sa unang film ng ABS-CBN moblie’s Starfilx “Must Date the Playboy” na mapapanood lang sa mobile devices.

Ayon pa kay Xian, na excited maka-trabaho ulit si kim, “mas mature na roles ito para sa akin at kay Kim, na iikot sa love story ng character namin at paano nila iki-keep ang love na ‘yon dahil sa mga priorities na papasok sa buhay at mundo nila.” Ayon din kay Kim, “ Hindi ito yung normal na kwento na magsisimula sa aso’t pusa ang pagtatagpo nila. Magsisimula siya na mahal na namin ang isa’t isa”, at ngayong taon din ang ika-sampung taon nya sa showbiz kaya espesyal sa kanya ang pagbabalik sa telebisyon.

Ang “The Story of Us” ay kwento ng dalawang magkaibigan na lumaking magkasama sa isang payak na bayan ng El Nido, Palawan. Simula pa nung bata ay napamahal na sila sa isa’t isa, magkasama nilang binuo ang mga pangarap na huhubog sa kanilang pag-iibigan, ngunit nagkaroon ng malaking balakid para sila’y maghiwalay ng landas. Kinailangang umalis ni Tin(Kim) papuntang America upang makita ang kanyang Nanay na matagal ng hindi nakakasama, pero hindi susuko si Macoy(Xian) na maudlot ang kanilang pagmamahalan. Sa kakatapos na pressconference nang teleseryeng ito, ay nakapanayam ng inyong lingkod sina Kim at Xian tungkol sa kanilang mature role.

Xian medyo malaman yung statement mo na If this is last project na makikita namin kayo together, might as well na ibibigay nyo na rin lahat, bakit mo nasabi yun?

“The reason why nasabi ko yun, kasi naranasan ko, na matagal mag hintay at matagal ding nag hintay ang mga sumusuporta sa amin, kasi hindi namin alam kung kailan ulit kami mabibigyan ng chance.”

Ikaw Kim, binigay mo din ba ang lahat sa teleserye na ito, specially sa love scene nyo?

“Grabe naman sa love scene talaga, pwede din bang sa acting din ha ha ha. Syempre kasi ito yung first teleserye namin na kami lang dalawa, kaya kailangan naming ibigay ang pinaka-best namin at ito yung pagkakataon, masaya kaming dalawa. Pagkabigay pa lamang sa amin ng script, binabasa na kagaad namin dahil sobra kaming nai-excite.”

Xian, paano mo naprotektahan si Kim sa Love scene nyong dalawa, kasi sabi mo medyo kinakabahan at nanginginig sya sa mga hawak mo?

“Syempre tinanong ko muna sya kung hanggang saan ba, kasi ayaw ko namang ma-offend sya sa akin, kaya pinag-uusapan muna namin bago kunan ni Direk Richard Somes ang scene na yun, sabi pa nga ni Kim na hahawakan ko sya kasi mag dyowa kami dito, pero ayaw ko talaga syang mabastos but at the same time, sinabi nya naman sa akin ang mga limitations nya at naniwala naman kami sa direktor namin na hindi sya magmumukhang bastos, kasi yun yung ikinakatakot namin na lalabas syang ganun sa mga manunuod.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s