ANO ANG KAHAHANTUNGAN NG PAG-IIBIGANG CLARK AT LEAH?

“On the Wings of Love” nakatakdang magtapos ngayong Peb 26

Muling paglalapitin ng tadhana ang mga puso nina James Reid (Clark) at Nadine Lustre (Leah) sa huling dalawang linggo ng hit Kapamilya teleseryeng “On the Wings of Love” na nakatakdang magtapos ngayong Pebrero 26 (Biyernes).

Mula nang umere ang “On the Wings of Love” noong Agosto, naging isang phenomenal hit ito na tinututukan gabi-gabi ng mga Pilipino sa iba’t ibang bansa dahil sa nakakakilig na kwento nina Clark at Leah.

Umani rin ng papuri ang teleserye mula sa fans at critics dahil ibinida nito ang ilang OFW issues na sinuri at sinaliksik ng mabuti.

Dahil dito, nananatiling mataas ang ratings ng “On the Wings of Love” laban sa katapat ng programa. Lagi din itong bahagi ng most watched programs ng iWant TV, ang free online catch-up service ng ABS-CBN.

Maging ang “On the Wings of Love” merchandise at scrapbooks ay nangingibabaw sa best sellers list, patunay kung gaano ito ka popular at tinatangkilik ng mga Pilipino mapa bata man o matanda sa bansa maging sa abroad.

Maliban dito, record breaking din parati ang naitatalang attendance ng “On the Wings of Love” events kagaya ng mall shows, “OTWOL Spread The Love Tour,” at “Kapamilya Krismas3.”

Sa nalalabing mga araw ng “On the Wings of Love,” isang hindi malilimutang pagtatapos ang dapat hindi palampasin ng fans dahil malalaman na kung muli kayang magbabalikan sina Clark at Leah sa kanilang nakatakdang pagkikita sa San Francisco.

 

Ngunit magiging hadlang kaya ang pagbubunyag ni Simon ng kanyang tunay na nararamdaman kay Leah sa muling paglalapit ng landas at mga puso nina Clark at Leah sa San Francisco, ang lugar kung saan sila unang nagmahalan?

Sa samu’t saring tagumpay na nakamit ng “On the Wings of Love” sa loob ng anim na buwan, hindi rin pahuhuli ang lead stars nito na sina James at Nadine para mas makilala bilang hottest love team ng bansa.

Sa katunayan, sold out agad ang first major concert nina James at Nadine na “Jadine Love” ngayong Sabado (Peb 20) matapos ito ianunsyo noong Disyembre. Magkakaroon din ng official merchandise sa concert na handog ng ABS-CBN Store booths sa Red at Green lobbies ng Araneta.

Dahil sa napakaraming Jadine fans na gustong makapanood ng concert, magkakaroon ang “Jadine Love” ng World Tour na handog ng TFC sa Marso.

Magpapakilig sina James at Nadine sa Doha (Marso 18), Dubai (Marso 19), London (Marso 26), at Milan (Marso 27).

Sa pamamagitan din ng “On the Wings of Love,” nakaani sina James at Nadine ng maraming pagkilala sa iba’t ibang parangal. Nominado si James sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards para sa Favorite Pinoy Personality, habang nangunguna naman si Nadine sa MYX Music Awards nominees sa kanyang anim na nominasyon kabilang na ang Favorite Artist at Best Music Award.

Huwag palampasin ang huling mga araw ng “On the Wings of Love,” Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Dolce Amore” sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s