Kiray Celis Natikman ang Halik nina Derek Ramsay at Kean Cipriano; Dating Magsyotang Solenn Husseaff at Derek Ramsay Magsasama sa pelikulang “Love Is Blind”

 

LoveIsBlindMaingay ang hatid ng tinaguriang riot love story ng taon, ang “Love Is Blind”, mula sa Regal Entertainment Inc. Saktung-sakto kasi ang showing nito ngayong Pebrero 10,  na swak na swak sa Araw ng mga Puso.

Sa trailer pa lang, halakhakan na ang sukli ng mga nakapanod.  Imagine nga naman, ang hunk actor na si Derek Ramsay ay naging “Girlfriend” ng hindi katangkaran at kagandahang si Kiray Celis. Yet, hayun si Derek haling sa alindog ni Kiray with matching kagat-labi kissing scenes  sa  mahaharot nilang eksena!

Hango  ang kwento ng pelikula patungkol sa  pag-iilusyon ni Kiray na maging boyfriend si Derek. Gumawa siya ng love potion at nang mainom ito ni Derek, nag-aanyong Solenn Heusaff ang komedyana! Kaya sa halip na si Kiray ang humabol kay Derek, nabaliktad ang sitwasyon dahil ang komedyana ang hinahabol ng yummy actor, huh! Talbog ang magagandang aktres sa bwuti ni Kiray!

Unang pagsasama sa project ang “Love is Blind” ng dating lovers na sina Derek at Solenn. Matatandaang   hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawa bilang mag-syota, kaya matagal bago ito nag-usap.  Tanging ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde lang nagkaroon ng pagkakataon na pagsamahin sila sa isang movie na kikiliti sa manonood!

Ayon kina Drerek at Solenn, wala naman silang ilangan sa pagsasama nila dito sa pelikula. Namalayan nalang nilang dalawa habang sinu-shoot ito na bumalik sa dati ang kanilang friendship. Naging daan daw ang pelikulang ito upang malinawan nila ang hindi nila pagkakaunawaan dati. Kapwa man sila may karelasyon, hindi naging sagabal yun upang ipamalas nila ang kilig at sweet scenes.

Si Kiray naman, effortless na matikman ang mga yakap at halik ni Derek. Memorable scenes sa kanya ang mga eksenang nasa dagat sila ni Derek, naglalambingan lalo na sa kissing scenes. But it was done in a comic way pero natulala ang komedyana nang totohanin ni Drerek ang halik na inakala niyang smack lang! Sa totoo lang hindi lang kay Derek nakatikim ng halik si Kiray, maging kay Kean Cipriano ay nakipaghalikan din si Kiray. Aabangan talaga ang romantic-comedy na ito ng Regal Films, ang “Love Is Blind” mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamanana siya ring lumikha ng much-acclaimed films gaya ng “Magkakabaung,” at iba pa. Siguradong sasakit ang tiyan nyo sa katatawa ngayong Valentines Day  dahil sa dala-dalang saya , pag-ibig nina Derek, Solenn, Kean at Kiray sa pinaka-aliw at nakakabaliw na pelikula ng 2016, ang “Love is Blind,” na ipalalabas na ngayong Pebrero 10. Panuorin!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s