Engrandeng comeback nina Vilma Santos & Angel Locsin sa ‘Everything About Her’ mapapanood na worldwide

IMG_7843
Pelikulang pinaguusapan, mapapanood na sa U.S., Canada, Middle East, Europe, Asia at New Zealand via theatrical arm ng TFC

Simula ngayong Pebrero, mapapanood na sa U.S., Canada, Middle East, Europe, Asia, Australia, at New Zealand
ang pinakaaabangang pelikula ng Star for All Seasons at ng award-winning box office royalty na si Angel Loscin na “Everything About Her” mula sa Star Cinema at TFC@theMovies.

Markado bilang grade A ng Cinema Evaluation Board, ang “Everything About Her” ay tungkol sa dalawang babaeng magkaiba ang pananaw at paguugali. Si Santos ay si Vivian, isang power woman na nagkaroon ng cancer. Si Locsin naman si Jaica, isang nurse na inatasang mag-alaga kay Vivian at ikubli ang kaniyang sakit.

Halong tuwa at lungkot ang hatid ng pelikula lalo na nang hilingin ni Vivian na iuwi ang anak na si Albert (Xian Lim), sa pagnanais na mabuo muli ang kanilang estranged relationship. Dama ng phenomenal blockbuster star na si Vice Ganda ang rollercoaster of emotions sa pelikula. “Ang ganda. Tawang-tawa ako noong start. Iyak naman ako ng iyak noong dulo.”

Kasama rin sa “Everything About Her” si Xian Lim sa kaniyang kauna-unahang dramatic role sa labas ng kaniyang blockbuster loveteam na KimXi kasama si Kim Chiu. Mahusay ang paganap ni Lim bilang si Albert at nakipagsabayan siya sa dalawang mahuhusay na actress. Kahit ang blockbuster director na si Wenn Deramas ay napahanga. “Napakaganda – comedy and drama. Napakahusay nilang tatlo. Di sayang ang perang gagamitin ninyo.

Sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal, hindi lamang tumatabo sa takilya ang “Everything About Her,” patuloy pa rin itong umaani ng magagandang reviews mula sa iba’t-ibang sektor. Ayon kay Myx VJ Ai, “Combination ng comedy at drama. Ibang-iba ang pagkaportray ng movie. One of the best local films I’ve ever seen. Ang daming matutunan dito.”

Samahan sina Santos, Locsin at Lim sa kanilang pagharap sa mga bagay na tunay na mahalaga sa buhay. Ang “Everything About Her” ay mapapanood simula January 29 sa U.S., January 31 sa France, Italy, Malta at Greece; February 4 sa United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, Oman at Kuwait; February 5 sa Canada; February 6 sa Austria, at United Kingdom; February 7 sa Spain; February 11 sa Australia at New Zealand; February 12 sa Saipan at February 21 sa Singapore. Para sa karagadagang impormasyon, bisitahin ang https://www.tfc-usa.com/eahusa/‬, facebook.com/TFCUSOfficial, facebook.com/TFCCanadaOfficial, facebook.com/TFCMiddleEast, facebook.com/TFCEurope, facebook.com/TFCAustralia, facebook.com/TFCNewZealand, Facebook.com/TFCGuam, and facebook.com/TFCSingapore

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s