“On the Wings of Love,” umani ng papuri dahil sa pagtampok ng OFW issues “OTWOL” FEVER, DAMANG-DAMA WORLDWIDE

IMG_7724 IMG_7735 IMG_7751 IMG_7753 IMG_7800 IMG_7871IMG_7724
Mas marami ng Pilipino ang nagkakaroon ng “OTWOL” fever pati abroad dahil sa top-rating Kapamilya primetime serye na “On the Wings of Love” na pinangungunahan nina James Reid at Nadine Lustre, ang isa sa mga hottest love teams ng bagong henerasyon.
Tuwing gabi, nakatutok sa mga telebisyon ang libo-libong OTWOListas para subaybayan ang kwentonina Clark at Leah at kung paano nila lalabanan ang mga hamon sa kanilang pag-iibigan.
Dahil sa hatid na kilig ng serye at magandang kwento, laging nakakatala ang “On the Wings of Love” ng matataas na ratings nationwide simula nang umere ito.
Ang mga OTWOListas naman na hindi nakapanood ng episode o ang mga gustong panoorin muli ang kanilang paboritong eksena sa serye ay naglalaan ng oras para mag-marathon sa iWant TV. Dahil dito, ang “On the Wings of Love” ang pinakapinanood na programa sa iWant TV na mayroong 3.7 million page views para lang noong Setyembre.
Maliban sa serye, nagkakaubusan na rin ng “On the Wings of Love” collectibles. Ayon sa The ABS-CBN Store (abs-cbnstore.com), consistent bestseller ang “On the Wings of Love” pillows at iba pang merchandise sa kanilang store at pati online, habang dinagsa naman ang pre-orders para sa couple rings na base sa serye.
Isa pang hindi pinalampas ng mga OTWOListas ang “On the Wings of Love” official scrapbook na dinumog ng tinatansyang 4,000 fans. Sa loob lamang ng ilang linggo, sold out na ang 10,000 copies ng scrapbook at ngayon ay nasa second printing na ito.
Kahit sa social media, tumitindi rin ang “OTWOL” fever. Laging trending topic worldwide ang “On the Wings of Love” na pinupuri at pinag-uusapan bawa’t araw ng mga netizens.
Pati mga sikat na personalidad ay hindi nakatakas sa “OTWOL” fever. Ang unang mga nagpahayag na sila ay certified OTWOListas ay sina Vice Ganda, Bernadette Sembrano, Marvin Agustin, Luis Manzano, Kyla, director Badji Mortiz, Kat de Castro, at ang basketball star Paulo na si HubaldeIlan.
Humahanga na rin sa serye sina Bianca Gonzalez, Myrtle Sarrosa, John Lapus, Kiray Celis, Darla Sauler, UAAP volleyball stars Mika Reyes, Gretchen Ho, at si direk Jose Javier Reyes, na scriptwriting teacher ni Antoinette Jadaone.
Dahil sa pagtalakay nito ng madamdaming OFW issues, umabot na rin sa ibang bansa ang “OTWOL” fever. Sa interview sa “TV Patrol,” ibinahagi ni James na tinatawag silang dalawa ni Nadine na Clark at Leah ng mga fans nila sa “ASAP20 Live in London.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s