LINGGO-LINGGONG TRANSFORMATIONS SA “YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR,” LE-LEVEL UP PA SIMULA SETYEMBRE 12

Matapos ang matagumpay at top-rating na unang edisyon nito, magbabalik sa telebisyon ang “Your Face Sounds Familiar” upang linggo-linggong handugan ang mga manonood ng kakaibang aliw kasama ang bagong batch ng celebrity performers simula Setyembre 12.

Humanda para sa mas level up pang mga pasabog at transformations na tiyak na magbibigay ng concert-like experience sa pangunguna ng host na si Billy Crawford at ang bagong KatroFamiliar na si Melai Cantiveros, ang unang “Your Face Sounds Familiar” grand winner.

“It’s all about just having fun and doing things that you would not expect doing for everyone to see. It’s all about enjoying the weekend and changing the weekend habit of viewers. Nabigyan kami ng pagkakataong bumalik, and we hope na magpasaya uli kami ng mga tao,” sabi ni Billy.

Si Melai ang magiging espesyal na KatroFamiliar na magdadagdag ng riot na katatawanan sa bawat episode ng programa. Makikilala siya linggo-linggo bilang iba’t ibang personalidad na makakasama ng walong celebrity performers sa kanilang mga paandar pagkatapos ng kanilang performances.

Ayon kay Melai, lalo siyang excited sa kanyang pagbabalik sa programa dahil aniya, sa pagkakataong ito ay walang pressure para sa kanya na mag-perform. Nagpapasalamat din siya sa naging experience niya rito dahil nabago raw nito ang kanyang buhay.

“This time, na-appreciate ko talaga ang pagbabago sa buhay ko nang sobra-sobra dahil nanalo ako na alam kong pinaghirapan ko, lalo na sa prosthetics at pagkanta. As a performer parang nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko. Parang nag-level up ako. Nalampasan ko na ang kaba kapag lumabas sa stage at humarap sa audience,” pagbabahagi ni Melai.

Siguradong magbabago rin ang buhay ng walong bagong celebrity performers sa programa sa kanilang pagtanggap sa hamong maging ka-face at ka-sound ng iba’t ibang local at international na music icons.

Huwag palampasin ang linggo-linggong transformations ng Absolute Performer na si Sam Concepcion, ang Soul Supreme na si KZ Tandingan, ang Dental Diva na si Kakai Bautista, ang Harana Prince na si Michael Pangilinan, ang Playful Angel na si Myrtle Sarrosa, ang Komikero ng Masa na si Eric Nicolas, ang Rebel Rock Royalty na si Kean Cipriano, at ang Sultry Heiress na si Denise Laurel.

Gaya ng naunang season, walang elimination sa programa at dadaan ang performers sa acting, dance, at vocal training kasabay ng kumpletong make-up transformation para lubos nilang makopya ang ayos, itsura, at galaw ng kanilang assigned music icons.

Sa bawat episode, ang performer na makakakuha ng pinakamataas na puntos ang siyang magwawagi ng cash prize, na ang kalahati ay ipagkakaloob sa napili niyang charity.

Maliban kina Billy at Melai, magbabalik din sa “Your Face” ang jurors na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, world singing champion Jed Madela, at Megastar na si Sharon Cuneta para husgahan ang performances ng celebrity performers.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng sa “Your Face Sounds Familiar” sa Setyembre 12 ng gabi sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, i-like ang www.facebook.com/yourfaceph, at sundan ang @YourFacePH sa Twitter at Instagram.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s