BURGER KING WHOPPER Paboritong Beef Burger ni TOM RODRIGUEZ

Ipinagmalaki ni Tom Rodriguez ang bago nyang paboritong burger sa lahat ng blogger at media na dumalo sa kanyang event noong nakaraang September 1, 2015 na ginanap sa Burger King Frontera Verde, Tiendesitas.

Ito ay ang Whopper Burger ng Burger King na sinasabing flame-grilled burger at may 100% juicy beef. Kitang kita ang itim na mark sa beef patty nito, na ang ibig sabihin ay inihaw talaga sa nagbabagang apoy. Ika nga #MARKSBETTER burger ito ng Burger King.

Bukod dito ay ipinahayag din ni Tom Rodriguez ang magandang pagsasama nila ni Megan Young sa kanilang bagong teleseryeng Marimar.

“Megan, is so awesome to work with sa Marimar, walang arte sa katawan, talagang binibigay nya yung lahat ng makakaya nya for the work. Kagaya kanina medaling araw na, tinatanong sya kung kaya nya pa ba I-shoot ang underwater shoot, sabi nya ‘Sige, game pa ako, kaya pa,’ gayung may 11am event pa syang dadaluhan. Inspite of being Miss World, she stays humble, very approachable and very down to earth.”

Nabanggit din ni Tom Rodriguez ang pagbabalik tambalan nila ni Carla Abellana sa pelikulang “No Boyfriend Since Birth,” na malapit na raw ipalabas under Regal Films. Gagampanan ni Tom ang papel ni Carlo na highschool crush ni Karina played by Carla Abellana. Aabangan daw ang love story ng dalawa at ilang maiinit nilang eksena sa kanilang bagong pelikula.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s